Una sa Balita

Magpinsang tulak, 4 pa tiklo sa Caloocan City

By
0 159

ARESTADO ang tatlong magpinsan na umano’y mga drug pusher­ habang apat pa ang pinosasan sa buy-bust operation na isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Special Ope­ration Unit (DSOU) sa Caloocan City, kamakalawa nang gabi.

Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Chief Supt. Gregorio Lim ang magpipinsang tulak na sina Maribelle Villa alyas ‘Erlyn’, 42-an­yos, at Jonathan Nava alyas ‘Itan’, kapwa residente ng Apartment House B-38, Lot 1, Phase 3, F1 Dagat-Dagatan, Brgy. 12 ng nasabing lungsod; mga user na sina Mary Rose Tayabang, 29; Erly De Cujos, 58; Manny Carlos, 32, at Patricio Nava, 23, mga naninirahan sa Block 38, Phase 3, Brgy. 12 ng nasabing lungsod.

Nasa drug watchlist si Maribelle at Jonathan dahil sa pagtutulak nila ng iligal na droga sa kanilang lugar.

Dakong alas-9:30 nang gabi, ikinasa ng operatiba ang buy-bust sa apartment ng mga tulak, kungsaan isa sa mga pulis ang nagsilbing buyer.

Matapos iabot ng mga suspek ang shabu, dito na sila pinosasan ng mga parak.

Pinasok ng mga awtoridad ang bahay ni Maribelle at dito ay nahuli sa akto ang apat na gumagamit ng shabu kaya hinuli ang mga ito.

Narekober sa dalawang tulak ang siyam na maliliit na plastik na sachet na may lamang shabu at mga paraphernalia.

Kinasuhan ng Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 ang dalawang pusher at walang piyansang inirekomenda sa kanilang pansa­mantalang paglaya. Nahaharap naman sa kasong Dangerous Drugs Act ang apat na hinuli.