Una sa Balita

Magpinsan nagsoli ng 112K cash, 3K tseke

0 1,743


LAKING pasasalamat ng isang executive accountant sa dalawang estud­yante matapos na isoli ang naiwan niyang bag na naglalaman ng P112,000 cash at P3,000 tseke sa isang UV Express, noong Disyembre 19.

Dinala mismo ng mga estudyanteng sina Nicolo Abasta, 18, estudyante ng National University at taga-Avida San Lazaro sa Sta. Cruz; at John Carlo Abasta, 21, estudyante ng San Beda College at residente ng P. Campa St., Sampaloc, Maynila, ang napulot na bag sa UBA Police Community Precinct.

Laman ng bag na kulay itim ang tatlong sobre na may P62,000; P50,000; P3,000 na tseke at isang kulay pu­ting power bank.Ayon kay P/Supt. Robert Domingo ,station commander ng MPD Police Station 4, dakong alas-11:00 nang umaga noong Disyembre 19, lulan ang mag-pinsan sa UV Express na galing sa Pedro Gil St., sa Taft Ave­nue, nang makita ang kulay itim na bag pouch.Sa halip na pag-interesan, minabuti ng mag-pinsan na dalhin ang itim na bag sa UBA-PCP.

Nalaman na ang bag ay pag-aari ni Jess Nazarene Macatunggal, 25, accountant ng Don Galo Parañaque City at na contact ito sa pamamagitan ng Facebook.Kaagad naman pinun­tahan ni Macatunggal ang kanyang bag at naibalik sa kanya ang pera at kagamitan at nagpasalamat sa da­lawang estudyante.

Juliet de Loza-Cudia

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy