Una sa Balita

‘Magpasikat’ wagi sa rating ‘Showtime’ pinarangalan ng NCCA

0 494

Isang malaking regalo ang natanggap ng “It’s Showtime” sa ika-10 anibersaryo nito dahil tumanggap ito ng pagkilala mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na “Katibayan ng Pagpapahalaga” noong Sabado (Oktubre 26).

Sa “Magpasikat” finale episode ibinigay ang award sa programa para sa malaki at makabuluhang ambag ng “It’s Showtime” sa pagpapalaganap nito ng sining at kultura sa buong mundo. Iginawad ito nina Shirley Halili-Cruz, ang chairman ng National Committee on Dance, at ni Rene Napeñas, ang head ng NCCA’s Public Affairs and Information Office, na nagsilbi ring mga hurado sa isang linggong tagisan ng mga host sa “Magpasikat” competition.

Agree kami na mahalaga ang naging papel ng programa pagdating dito dahil bukod sa ipinagbubuklod nito ang sari-saring probinsya at lalawigan dahil sa talent-competitions na inilunsad nito sa nakalipas na sampung taon, binibigyan din nito ng pagkakataon ang mga Pilipino sa loob at sa labas man ng bansa na ipagmalaki hindi lang ang kanilang talento, kundi kung saang lugar ang kanilang pinanggalingan.

Naaalala rin namin ang classic “Showtime” na noon ay morning show pa lang, at ilang grupo ang sumali magmula na noon – sa anyo man ng sayaw o anong uri ng performance – para ipakita at ipagmalaki sa mga kapwa Pinoy ang kani-kanilang kultura.

Hindi rin natin makakalimutan ang pagsulong ng programa ng original Pilipino music (OPM) sa paglulunsad nitong muli ng “Tawag ng Tanghalan” at ng TNT Records, na ang pangunahing hangarin ay gumawa ng makabagong music icons na gagawa, aawit, at lilikha ng musikang Pinoy.

Maraming mga manonood sa bansa ang tumutok sa “Magpasikat” finale episode ng “It’s Showtime” noong Sabado kung kaya’t nagtala ito ng national TV rating na 19.7%, o mas mataas pa sa nakuha ng kalabang programang “Eat Bulaga” na nakakuha lang ng 12.8%, ayon sa datos ng Kantar Media.

Araw-araw namang nag-trend sa buong mundo ang hashtags ng programa dahil sa pag-aabang ng mga Pinoy sa inihandang mga pasabog ng hosts.

Hindi pa natatapos diyan ang selebrasyon dahil balita namin, isang taon pa ang pa-fiesta ng “It’s Showtime” para sa mga mahal nitong madlang people.

Arnold Clavio super fan boy kay Aga

Ngayong Miyerkoles (October 30) sa “Tonight With Arnold Clavio (TWAC)”, imbitado ang lahat sa masaya at maagang birthday celebration ni Igan kasama ang showbiz icon na matagal na niyang gustong ma-interview — si Aga Muhlach!

After nine years ay makakapanayam na sa wakas ni Igan ang minsang itinuring na most bankable actor sa Philippine entertainment industry. Mapigilan kaya niya ang sarili niya sa pagiging “fan boy”?

At dahil unang pagkakataon na maghaharap sina Igan at Aga, kikilalanin pang lalo ni Igan ang matinee idol sa isang cute game. Pag-uusapan din ang mga mahahalagang tao sa buhay ni Aga gaya ng asawang si Charlene at ang kanyang mga kambal na anak na sina Atasha at Andres.

Sa laro naman na “Sino?” ire-reveal ni Aga kung sino ang kanyang naging first crush, first love, at first kiss! At mauungkat din ang pagiging feeling bagets ni Aga sa question and answer portion tungkol sa mga uso noon at uso ngayon!

Ano kaya ang mas gusto niya? Love letter o text message na lang? Mag-shopping sa mall o mag-shopping online? Larong kalye o video games? Ating alamin!

At siyempre, hindi puwedeng hindi sumabak ang bida ng “Nuuk” sa tatak-TWAC game na “Nasubukan Mo Na Ba?! Abangan ‘yan!

Tutukan yan ngayong Miyerkoles sa “Tonight With Arnold Clavio”, 7:15 p.m., sa GMA News TV!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More