Una sa Balita

Magpakatatag tayo Kapamilya — Piolo

0 509

Patuloy sa paghayag ng kanilang nararamdamang takot ang mga Kapamilya star. Kasunod din ang pagtanaw nila ng utang na loob at kung paano binago ang buhay nila ng natu­rang estasyon.

Sabi nga ni Piolo Pascual; “Family has always been my anchor, mula nang nagsisimula ako as an on-cam talent until now when I also produce content off-cam. Fortunately, I found another family in ABS-CBN – fellow artist who are now my friends, my mentors, and the many people behind the scene. Kung wala sila, wala din kami. That’s why I’m praying everything turns out well and ok. At para sa mga tao who give their best every day to inform, entertain, and to give us hope. Stay strong, mga kapamilya.”

Nanay ni Angeline nag-agaw-buhay

Ganon din si Angeline Quinto na nagbago ang buhay dahil sa Channel 2.
“Sa simula pa lang napakarami ng beses akong sumubok na sumali sa iba’t ibang pa­timpalak na kantahan, iba’t ibang lugar, iba’t ibang tao ang aking nakilala at nakasalamuha.

“Sa ABS-CBN ako huling sumubok para isang patimpalak na STAR POWER. Ito ang huling pagkakataon na ibinigay ko sa sarili ko para muling lu­maban. Muling umawit at muling mangarap.

“Sa ilang taon na ako po ay huminto dahil talunan. Ngunit ang ABS-CBN lang ang nagbukas ng pinto para sa lahat ng pangarap ko. Sa ilang taong paghihintay at pagsubok, tanging AB-CBN ang nagbigay ng magandang buhay sa akin, sa aking pamilya.

“ABS-CBN ang kakampi ko nang nag-agaw buhay ang Mama Bob ko. Dito sa tahanang ito, ako nakapatagpo ng totoong pamilya. Buo at totoong pamilya. Nabigyan ng pagkakataon na makatulong sa iba dahil sa iyo.

“ABS-CBN. Hindi ko kakayanin na makitang magsara ang tahanang ito. Maraming-maraming salamat ABS-CBN dahil sa iyo kung ano man ang meron ako at kung nasaan man ako ngayon. Hindi ko na po iisa-isahin ang mga taong natutuwa at naghihintay na maisara ang aming tahanan, bagkus nakita ko po ang mga totoong kakampi ko sa kahit na anong laban ng buhay. Mabuhay po kayo. At manatiling Kapamilya ako. Habang ako ay nabubuhay.”

Idinaan naman sa pagko-comedy ni Luis Manzano ang kanyang pagtutol na maisara ang Kapamilya network, sa pamamagitan ng mga compilations ng kanyang dance moves.

“Kung i-shut down ang ABS, makakakita pa ba kayo ng ganyang galaw? I don’t think so.”

K Brosas niratrat ng mga
basher sa pagdepensa sa Dos

Binakbakan nang husto ng mga basher si K Brosas sa posting nito ng official statement ng Kapamilya network na naglilinaw sa hindi nila paglabag sa pagbabayad ng buwis.

Unang nakatikim ng pamba-bash si K, sa posting ng official statement ng ABS-CBN na naglilinaw na hindi sila Tax Evader.

“Hindi lang para sa aming mga entertainer na Kapamilya kundi para sa mga sandamakmak na mga empleyado at mga pamilya nila… personal ko lang pong opinion to, lalo na ‘di sila lumalabag sa batas…”

Binanatan agad ng isang netizen si K.

@yeoj_eel, “Takot ka lang mawala ng trabaho. Kung walang tax violation, hayaan na ang korte magdesisyon. Anong paandar yan Ms. K? Nagba­yad ng Tax? Recently? Hindi ‘yan maghahain kung walang probable cause. Ano? Tangi? WagNmasyadong maniwala baka pagdating ng panahon at makita na baho ng Abs-Cbn sa madlang people, i-delete mo 2ng post mo? Sure ka na ba?”

Eh, lalong nag-init ang ulo ng basher sa sagot ni K sa kanya.

Paglilinaw kasi ni ni K; “@yeof_eel, wala akong sinabing bastos ka po sa sagot ko sa iyo..sabi ko sana wag lang bastos. General yon. pero nakikita now mga sagot mo so… ok. God bless.”

Niratrat pa ng ibang mga basher si K, na siyang pinoste niya sa kanyang IG.

“@honeybless2008 dahil below the belt mga hanas mo kahit nakiusap na ako na sana wag matalas o bastos mga comments kahit opinion mo pa at karapatan yan e, tinodo mo (kulang pa yang mga comment) Di ka pa nakuntento at nag-dm kapa? Noong sinagot kita bigla kang kumalma… tapos galit ulit? Anyareee? Sensya na po sa mga follower ko, pero may mga mura na at pambabastos na di ko kinaya kaya ko to post sya din naman nagsabi na ok lang daw… I know, I know, wag na dapat patulan pero may limit din pasensya ko… lalo na kung nakiusap ka na… Pwede naman tayo mag-agree to disagree respectfully… again pasensiya na uli kung patola ako now.”

Sumali sa post na ito si Pokwang at pinangaralan ang basher.

“Hello po mam @honeybless2008, according po sa inyong bio ikaw po ay isang happiest gurl tama? Hindi po gawain ng isang masayang tao ang manakit po ng kapwa sa mga salita po, marami po akong kaibigan na Muslim at sobrang taas ng respeto ko sa kanila sana po wag nyo naman ganyanin ang kaibigang kong si @kbrosas kung hindi nyo sya gusto paki-unfollow nyo na lang mas lalo ka pang magiging masaya promise.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More