Una sa Balita

Magpahinga ka nang mabuti, Gina

0 371

Nitong Lunes, nagi­sing ako sa isang masamang balita na ang dating Kalihim­ ng Kagawaran ng ­Kapaligiran at Likas na Kayamanan (DENR) na si Gina Lopez ay pumanaw na dahil sa komplikasyon dulot ng kanyang sakit na brain cancer.

Si Gina at ako ay hindi nagkatagpo bilang mga kawani sa gabinete ni President Rodrigo­ Duterte. Ngunit alam ko na isa siyang mabuting lingkod-bayan, higit pa kanino man.

Kung mayroon mang isang katangian si Gina na alam ng lahat ito ay ang kanyang ­pagmamahal sa kanyang trabaho kagaya­ ng pagmamahal niya sa ating kalikasan. Siguro nga ito ay isa sa mga trademark na ng isang Gina Lopez, na kahit­ na maraming tao ang hindi siya nakasamang magtrabaho­ ay masasabi pa rin nila kung gaano kabuti ang puso ng isang Gina Lopez.

Makikita mo sa mga mata ni Gina Lopez ang sigla at alab ng pagsisilbi. Ang kanyang kritiko—lalo na noong nagpasya siyang kalabanin ang mga taong nasa likod ng mga higanteng mining firms sa bansa noong siya ay kalihim pa ng DENR—ay marahil sasabihing­ lubos-lubos ang kanyang pagmamahal sa kanyang trabaho na minsan ay sumusobra na. Katulad ni Gina, ganoon din ang pagmamahal ko sa aking trabaho.

Related Posts

Isang maliit na papuri na tawaging environmental warrior ang isang Gina Lopez. Sa loob ng maraming dekada, isa siya sa mga taong may tunay na malasakit sa kapaligiran. Marami na ang nagawa ni Gina Lopez. Dahil sa kanyang kasigasigan, nanumbalik muli ang sigla ng Pasig River at ng La Mesa Watershed. Ngunit kung siya ang tatanungin, marami pa ang dapat gawin para sa kalikasan.

Isa rin si Gina Lopez sa mga dahilan kung bakit mayroong Bantay Bata 163. Isa ito sa mga naunang organisasyong naglalayong mapabuti ang kapakanan ng mga bata. Sigurado ako na marami ang makaka­pagpatotoo kung gaano karami ang natulu­ngan ng organisasyong ito. Sa katunayan, ang kanyang adbokasiya para sa mga bata ay makakapagsabi kung anong klaseng tao at karakter mayroon siya.

Nawa’y pagpalain ng Diyos ang kaluluwa ni Gina Lopez. Ang kanyang buhay, higit kailanma’y, ay marapat lamang na ipagdiwang at alalahanin hanggang sa susunod na mga hene­rasyon. Maraming salamat at magpahinga ka na, aking kaibigan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy