Una sa Balita

Magnolia, TNT duwelo sa Davao

0 313

Laro ngayon: (Davao City)
5:00pm — TNT vs Magnolia

DADAYO ng University of Southeastern Philippines sa Davao City ang TNT KaTropa at Magnolia para sa ­huling edisyon ng Petron Saturday Special sa ­eliminations ng PBA Governors Cup mamaya.

Kapag humaba sa tatlo ang panalo ng Ka­Tropa ay aangat sila sa 8-2, magkakaroon ng triple-tie sa tuktok ang MVP group teams kasama ng NLEX at Meralco.

Magpapatibay ­naman ng kapit sa top eight ang Hotshots na 5-5 sa kasalukuyan, pipiliting ipanalo ang huling laro sa elims para lumayo sa mga nasa ibabang puro 4-6 na Columbian, Alaska at NorhPort.

Nasa unahan ng Magnolia ang San Miguel Beer (­­6-4)­, at No. 4 Ginebra (6-3). Magbuhol man ang tatlong SMC squads, mauuna pa rin ang Gins dahil pareho nilang itinumba ang Beermen at Hotshots.

Related Posts

Nakikipaglaro pa sa Columbian ang Gin Kings kagabi.

Galing sa manipis na 86-85 setback ang ­Magnolia sa Road Warriors noong Linggo nang atakehin ni ­Jericho Cruz ang offensive rebound para ibaon ang putback.

Undefeated sa first seven games ang TNT pero ­natisod sa last two, huli nang pigilin ng Ginebra 96-93 noong ­Biyernes.

Unang laro ‘yun sa KaTropa ng bagong ­acquisition na si ­Bobby Ray Parks mula ­Blackwater. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy