Una sa Balita

Magnolia ‘home court’ ang Antipolo

By
0 548

Tila suwerte ang kapalaran ng Magnolia Hotshots sa tuwing maglalaro ito sa ‘City in the Sky.’

Ayon kay Magnolia Hotshots head coach Chito Victolero matapos ang kanilang pagdemolis sa Alaska Aces, 103-96, Sabado ng gabi, inilahad niya na ‘lucky charm’ para sa kanila ang Ynares Center.

“I think Ynares was very good to us. Medyo lucky kami dito sa gym na ito. Everytime we need a win, dinadala kami dito and ‘yun, si­guro lucky charm namin itong Ynares,” saad ng one-time PBA champion.

Matatandaan na sa Ynares Center sinungkit ng Magnolia ang kanilang ika-14 championship sa prangkisa, wagi kontra sa Alaska noong 2018 PBA Governors’ Cup, nakasilat din kontra sa powerhouse team na Ginebra sa semis dahilan para mapatalsik ang crowd favourite.

Sa pagkapanalo, nakaiwas ang Magnolia sa patuloy na pagkalubog, iniangat ang kartada sa 2-4 win-loss record para umangat sa 10th spot.

Patuloy na sasandalan ni Victolero ang dalawang Team Pilipinas guard na sina Paul Lee at Mark Barroca, maging ang nagbabalik-puwersa na si Ian Sangalang na nag-a-­average ng double-double kada laro, 16.00 points at 11.17 rebounds.

“‘Yung tiwala ko naman sa mga players ko everytime na ganito ‘yung sitwasyon, they will step up and lock in du’n sa mga ginagawa namin. I think ‘yung character nu’ng team, ‘yung chemistry, nandiyan na,” anang Magnolia mentor.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy