Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magnolia eskapo sa buzzer ni Calvin

0 56

Mga laro ngayon: (DHVSU Gym/Bacolor)

2:00pm — Meralco vs Blackwater

4:35 — pm Alaska vs TNT

ISINALBA ni Calvin Abueva ang Magnolia Hotshots sa natitirang 2.6 segundo upang kumpletuhin ang sakripisyo ni Ian Sangalang sa pagtakas sa krusyal na 90-89 panalo kontra NorthPort Batang Pier kahapon sa unang laro ng triple-header sa papatapos nang eliminasyon ng 2021 PBA Philippine Cup sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga.

Nakalusot si Abueva sa tatlong nakadepensa upang maihulog nito ang pampanalong tira na nagtulak sa Hotshots upang makamit ang ikapitong panalo sa loob ng 10 laro at panatilihin ang tsansa na maagaw ang natitirang silya sa dalawang may twice-to-beat na bentahe papasok ng quarterfinal round.

Related Posts

Nagtala si Abueva ng 15 puntos, 5 rebounds, 4 assists, 4 steals at 2 blocks upang tulungan ang kababayan nito na si Sangalang na kumulekta ng 26 puntos, 10 rebounds, 2 assists at 1 block sa pagbitbit sa koponan umahon mula sa 17 puntos na pagkakaiwan bago na-foul out sa huling 2.6 segundo.

Nag-ambag din para sa Hotshots si Paul Lee na may 13 puntos, 3 rebounds, 5 assists, 1 steal at 1 block habang may tig-10 puntos sina Mark Barroca at Rome Dela Rosa.

Una munang naagaw ng Batang Pier ang kalamangan sa nakumpletong 3-point-play ni Kevin Ferrer sa huling 2.6 segundo ng laro mula sa ikaanim at huling foul ni Sangalang.

Gayunman, hindi napigilan ng Batang Pier ang huling atake ng Hotshots upang tuluyang mahulog sa delikadong 4-5 panalo-talong record.

Unang ibinuhos ng Batang Pier ang diretsong 15 puntos na atake sa unang yugto matapos na maiwan sa 5-7 para maitala ang mataas na 17 puntos na kalamangan, 26-9. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.