Una sa Balita

Magnitude 6.9 gumimbal sa Davao del Sur

0 404

DALAWANG buwan matapos ang malalakas na lindol sa Mindanao, muling niyanig kahapon ang rehiyon na may lakas na 6.9.magnitude na ang sentro ay naramdaman sa Matanao, Davao del Sur.

Alas-2:11 nang hapon naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pagyanig.

Sa lakas ng lindol ay Intensity VII ang naramdaman sa Matanao at Magsaysay sa Davao del Sur.

Intensity VI sa Kidapawan City; General Santos City; Bansalan, Davao del Sur; Alabel at Malapatan, Sarangani; at Koronadal City.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol at nakapagtata ng mga aftershock sa mga sumunod na oras.

Matatandaan na noong Oktubre ay tatlong magkasunod na lindol ang naitala sa Mindanao kung saan 23 katao ang nasawi.

Ang magnitude 6.5 earthquake ay naganap noong Oktubre 31, habang 6.6 magnitude naman noong Oktubre 29 at magnitude 6.3 noong Oktubre 16. Pinawi naman ang pangamba ng mga residente sa nasabing lugar sa pagkakaroon ng tsunami bagama’t inaasahan pa ang pagkakaroon ng mga aftershock.

Hanggang sa isinusulat ito ay hindi pa batid kung ilan ang eksaktong bilang ng nasawi at nasugatan sa na­sabing pagyanig. (Tina Mendoza/Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More