Una sa Balita

Magnitude 6.8 na lindol sa Guatemala

By
0 6

Nabalot ng takot ang maraming mamamayan ng bansang Guatemala makaraang yanigin ng magnitude 6.8 na lindol.

Ayon sa ulat, naitala ng US Geological Survey ang epicenter ng lindol sa layong 24 na milya o 38 kilometro ng lungsod ng Puerto San Jose at may lalim na 46.8 kilometro.

Patuloy naman ang ginagawang monitoring ng emergency management system ng Guatemala para malaman kung ilan ang mga nasirang ari-arian at nasawi dulot ng lindol.

Wala namang inilabas na tsunami warning kasunod ng nasabing lindol.

Naramdaman din ang lindol sa El Salvador kung saan inaalam kung may epekto ito sa mga tao at gusali.