Una sa Balita

Magnitude 6.8 lindol sa Guatemala

By
0 6

Patay ang 5-katao habang may ilan pang sugatan matapos ang pagtama ng magnitude 6.9 na lindol sa bansang Guatemala.

Ayon sa U.S. Geological Survey, natukoy ang sentro ng lindol sa layong walong kilometro ng timog-kanluran ng Tajumulco, Guatemala at may lalim na 111 kilometro.

Kabilang sa mga nasawi ang isang babae sa lungsod ng San Marcos na nabagsakan ng pader at isang lalaki sa bayan ng San Sebastian Retalhueleu na natabunan ng gumuhong parte ng lumang simbahan.

Habang tatlong matandang babae ay namatay matapos na atakehin sa sa puso.

Nagdulot ng malawakang kawalan ng supply ng kuryente at pagkasira ng ilang mga gusali.