Una sa Balita

Magnitude 6.3 quake tumama sa Batangas

By ,
0 5

Niyanig ng malakas na lindol ang lalawigan ng Batangas kaninang ala-1:28 ng hapon at naramdaman din sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Sa earthquake monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS),  tumama ang epicenter ng magnitude 6.3 na lindol sa 16 kilometro timog-kanluran ng Nasugbu, Batangas.

Tectonic in origin ang sanhi ng paglindol at may lalim itong 160 kilometro.

Naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar: 

Inensity IV sa Calapan, Mindoro; Subic, Zambales; Rosario, Cavite; Manila City; Sablayan, at Occidental Mindoro.

Intensity III sa Pateros City; Quezon City; Makati City; Malolos, Bulacan; ,Cainta, Rizal; at Calamba, Laguna.

Intensity II sa Magalang, Pampanga at Tanauan City, Batangas.

Intensity I sa Talisay, Batangas.

Nakaramdaman din ng Instrumental Intensities na Intensity III sa Calumnpit, San Ildefonso, Bulacan; Tagaytay City at Intenisty II sa Lucban, Quezon.

Ayon sa Phivolcs, asahan ang aftershocks sa mga susunod na oras.

As of posting time, walang pang inuulat kung may nasirang ari-arian sa paglindol.