Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magnitude 6.2 yumanig sa Indonesia, 35 patay

0 153

Nasa 35 katao ang nasawi sa tumamang magnitude 6.2 na lindol sa Sulawesi Island sa Indonesia habang daan-daan pa ang sugatan.

Ayon sa ulat, tumama ang malakas na lindol sa bayan ng Majene bago mag-1:30 ng madaling-araw nitong Biyernes.

Nagresulta ang lindol sa tatlong landslide, pagkawala ng kuryente at pagkasira ng mga tulay sa mga regional hub gaya sa siyudad ng Makassar.

Mahigit 60 bahay din ang na-damage sa lindol, dalawang hotel pati ang opisina ng provincial governor kung saan dalawa katao ang nalibing sa mga tipak ng bato.

Wala pang iniisyung tsunami warning pero ayon kay Meteorology and Geophysics Agency Head Dwikorita Karnawati, posible ang mga aftershock at isa pang malakas na lindol na magti-trigger ng tsunami. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.