Una sa Balita

Magnitude 6.1 naitala sa Panama

0 128

NAGBAGSAKAN ang mga paninda sa ilang supermarket, bumagsak ang mga poste sa Puerto Armuelles, Panama matapos yanigin ng isang lindol na naitala sa 6.1 magnitude kahapon, Mayo 12, 2019.

Ayon sa mga Panamanian authority nasa dalawa katao ang naiulat na nasaktan.
Sinabi ni Sigifredo Perez, head ng operations sa National Commission of Emergencies sa Costa Rica, wala namang mga major damage o injury na naitala sa nangyaring paglindol.

Naitala ng U.S. Geological Survey ang lindol sa 6.1 magnitude at nasentro sa bayan ng Plaza de Caisan.

May mga nag-post na rin sa social media ng nangyaring trahedya kung saan karamihan sa ipinaskil ay larawan ng mga nag-collapse na mga istraktura sa mga rural area.

Ibinahagi naman sa Twitter ng National Civil Protection Service ng Panama na nag-crack ang ospital at dalawang supermarket sa Changuinola, Bocas del Toro.

Dati nang tinamaan ang Northern Panama ng magnitude 7.4 quake noong 1991 na kumitil sa buhay ng may 23 katao at pagkasugat ng may 500.

Sa magnitude 6.7 lindol naman noong 2003 ay dalawa katao ang nasawi at daan-daang mga bahay ang nawasak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy