Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magnitude 6.1 na lindol yumanig sa Batangas

0 71

Niyanig ng magnitude 6.1 na lindol ang lalawigan ng Batangas kahapon ng madaling-araw.

Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol malayo sa pampang sa ba­hagi ng Calatagan, Batangas ganap na alas-5:50 ng madaling-araw. May lalim itong 132 km at tectonic ang origin.

Samantala, naramdaman din ang pag-uga sa ilang parte ng bansa tulad ng Puerto Galera, Oriental Mindoro, intensity IV; Calapan City, Oriental Mindoro at Malolos City, Bulacan intensity III; at Marikina City, intensity II.

Nangangalap pa ang Phivolcs ng mga datos sa pinsala na dulot ng pagyanig sa mga apektadong lugar. Posible rin anilang maramdaman ang mga aftershock pero hindi ito sapat para magresulta ng tsunami sa bansa. (Tina Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.