Una sa Balita

Magnitude 6.1 na lindol tumama sa Japan

0 293

GINULANTANG ng magnitude 6.1 na lindol ang Japan kahapon.

Ang lindol ay tumama sa east coast ng Honshu, ang pinakama­laking island ng Japan, ayon sa United States Geological Service.

Wala namang naireport ng anumang casualty o damage dulot ng pagyanig bagamat sinasabing tumama ito sa karagatan.

Eksaktong naitala ang lindol sa layong 108 miles silangan ng Hachinoche City at may lalim na 17 milya.

Nauna nang nagbabala ang mga resear­cher na tatamaan ng malakas na lindol ang Japan na magdudulot ng pagkasira at tsunami sa susunod na tatlong dekada.

Magugunitang nangyari ang Tohoku earthquake noong 2011 kung saan umabot sa 16,000 ang nasawi sa pagkalunod makaraang magdulot ito ng tsunami na umabot ang taas sa 133 talampakan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy