Una sa Balita

Magnitude 5.5 nagpauga sa DavOcc

0 285

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 5.5 na tumama sa Davao Occidental kahapon.

Alas-3:13 ng madaling-­araw nang lumindol sa 187 kilometro ng timog-silangan ng Sarangani. May lalim itong 130 kilometro at tectonic ang origin.

Naramdaman ang Intensity II sa Tupi, South Cotabato; Alabel, at Malungon, Sarangani; habang Intensity I naman sa General Santos City; Kiamba, Sarangani; at Koronadal City. (PNA)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More