Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magnitude 5.2 tumama sa Davao del Sur

0 413

Naramdaman ang magnitude 5.2 na lindol sa Davao del Sur, Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naganap ang lindol bandang alas-2:16 ng madaling-araw at naitala ang episentro sa Kiblawan, Davao del Sur. May lalim ang nasabing lindol na 19 kilometro, tectonic naman ang origin.

Naitala ang Intensity V sa bayan ng Bansalan at Magsaysay sa nasabing probinsya. Wala namang inaasahang pinsala, ngunit posibleng magkaroon ng aftershock kasunod ng lindol. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.