Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magnitude 5.2 lindol yumanig sa Davao del Sur

0 160

RP

Naramdaman ang magnitude 5.2 na lindol sa Davao del Sur nitong Sabado ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol bandang alas-2:16 ng madaling-araw kung saan natala ang episentro sa Kiblawan, Davao del Sur.

May lalim ang nasabing lindol na 19 kilometro, tectonic naman ang origin.

Naitala ang Intensity V sa bayan ng Bansalan at Magsaysay sa nasabing probinsya.

Wala namang inaasahang pinsala, ngunit posibleng magkaroon ng aftershock kasunod ng lindol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.