Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magnitude 5.1 tumama sa Surigao

0 480

Inuga ng magnitude 5.1 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte, Huwebes ng madaling-araw.

Sa earthquake information bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagtala ng magnitude 4.8 ang nasabing pagyanig. Inangat ito sa magnitude 5.1 sa sumunod na update.

Ang lindol ay naitala alas-2:27 ng umaga, Nobyembre 5, sa 10 kilometro southeast ng munisipalidad ng Burgos.

May 28 kilometrong lalim ang nabanggit na tectonic earthquake, na nagdulot ng Instrumental Intensity II sa Surigao City.

Ayon sa Phivolcs, hindi inaasahang magdudulot ng pinsala ang naitalang lindol pero inaasahan ang mga aftershock o kasunod pang pag-uga ng lupa. (SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.