Una sa Balita

Magnitude 5.0 quake tumama sa Cagayan

By
0 2

Isang malakas na pagyanig ang tumama kahapon sa isang isla sa lalawigan ng Cagayan ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa earthquake monitoring ng Phivolcs, tumama ang epicenter ng magnitude 5.0 na lindol sa layong 30 kilometro sa kanluran ng Calayan, Cagayan, bandang alas-9:23 ng umaga.

Mababaw lamang ang pinagmulan ng lindol kaya’t naramdaman ng mga residente ang ma­lakas na pagyanig ng lupa na naramdaman din ng ilang karatig na lalawigan ng Cagayan tulad ng Ilocos Norte at Ilocos Sur.

Naramdaman ang Intensity 3 sa Calayan, Claveria at Aparri, Cagayan; Intensity 2 sa Laog, Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin at Bacarra sa Ilocos Norte; Intensity 1 naman sa San Nicolas, Ilocos Norte at Sinait, Ilocos Sur.