Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magnitude 4.8 yumanig sa Sultan Kudarat

0 120

Nayanig kahapon ang Sultan Kudarat nang tumama ang magnitude 4.8 magnitude na lindol.

Ganap na ika-6:51 ng umaga nang maganap ang lindol sa 1 kilometro hilagang-silangan ng Columbio, ng Sultan Kudarat.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang nasabing pagyanig na may lalim na 20 kilometro.

SM food to go Banner Ad

Naramdaman ang Intensity 3 sa Tampakan, South Cotabato, habang Intensity 2 sa General Santos City.

Naitala naman ang instrumental Intensity 4 sa Koronadal City, South Cotabato habang Intensity 3 sa Malungon, Sarangani, Intensity 2 sa General Santos City habang Intensity 1 sa Alabel, Sarangani.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.