Magnitude 4.2 tumama sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 4.2 ang Davao Oriental kahapon ng madaling-araw.
Sa tala ng Phivolcs, ika-1:43 ng umaga nang maganap ang pagyanig, sa 44 kilometro timog-silangan ng bayan ng Governor Generoso.
May lalim itong 143 kilometro at tectonic ang origin.
Wala namang naitalang pinsala, nasugatan o nasawi. Wala ring inaasahang aftershock ang Phivolcs sa nangyaring lindol.