Una sa Balita

Magnitude 4.1 yumanig sa Albay

0 393

NIYANIG ng magnitude 4.1 ang Albay kahapon ng umaga.

Alas-9:17 ng umaga nang naramdaman ang lindol na ang sentro ay sa bayan ng Rapu-Rapu.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology­ and Seismology (Phivolcs)­ tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 22km.

Bahagyang naramdaman ang lindol sa ilang bahagi ng lalawigan, nakapagtala ng Intensity 3 sa Legazpi City at Intensity 2 sa Bulusan, Sorsogon.

Walang inaasahang pinsala at mga aftershock sa naganap na pag­yanig. (TMendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More