Magnitude 4.1 tumama sa Zamboanga

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang Zamboanga Del Norte kahaapon ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol ganap na alas-12:47 ng umaga, Enero 8, sa northwest ng bayan ng Siocon.

May lalim itong 33 kilometro at tectonic ang origin.
Dagdag ng Philvocs, walang naiulat na pinsala o casualty. Wala ring inaasahang aftershocks sa nasabing lindol.