Una sa Balita

Magnitude 3.6 na lindol tumama sa Batangas

By
0 284

Ilang oras matapos ang pang-apat na magnitude 4.1 na lindol, tinamaan naman ang lalawigan ng Batangas ng magnitude 3.6 na lindol ngayong Lunes ng hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), volcanic ang origin nito, na tumama alas-3:29 ng hapon, Enero 13, sa bayan ng Calaca at may lalim na anim na kilometro.

Naramdaman naman ang Intensity III sa Tagaytay City.

Samantala, walang inaasahang pinsala ni aftershock sa lindol.

As of 5 a.m. ngayong Lunes, kabuuang 75 volcanic earthquake na ang nai-record ng Phivolcs sa Taal Volcano area.

Sumuka na ng lava ang Bulkang Taal nitong Lunes ng madaling araw, kaya pinanatili ng Phivolcs ang Alert Level 4 sa bulkan, sa banta ng delikadong pagsabog sa loob ng ilang oras o araw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More