Una sa Balita

Magnanakaw sa BOC i-EJK – Special Envoy Tulfo

By
0 965

GAYA ng mga napapatay sa war against drugs ng administrasyong Duterte, dapat din umanong mapatay ang mga tiwaling Customs official na sangkot sa mga iregularidad sa Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay Special Envoy to China for ­Public ­Diplomacy Ramon Tulfo, ang BOC ang isa sa pinakamahirap hawakang ahensiya ng gobyerno dahil sa pera.
Sa interbyu ng “The Source” sa CNN Philippines, sinabi ni Tulfo na dapat umanong maparusahan ang mga kurakot na Customs official.

“If the government can mercilessly execute drug traffickers and drug pushers, why can’t it execute the most corrupt personnel in the Bureau?” ayon kay Tulfo.

Kasunod ito ng naging kontrobersiya sa kagawaran matapos ang naging isyu sa P11 bilyong shabu smuggling na lumusot sa GMA, Cavite.

Suportado rin ni Tulfo ang takeover ng militar sa Customs para umano malinis ang ahensiya.

Dahil sa mga sunod-sunod na suliranin sa droga, aaksiyon na rin umano si Tulfo para naman mapigilan ang mga drug trafficker sa China.

Matatandaang ilang Chinese national ang hinihinalang nagpasok ng shabu sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More