Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magnanakaw ng krudo timbog

0 409

Arestado ang isang 18-anyos na lalaki makaraang magnenok ng krudo mula sa nakaparadang trak sa Brgy. Calaocan, San Jose, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni PLt. Col. Crizelda de Guzman ang nadakip na si Mark Joseph Liyag Simon, residente ng naturang lugar.

Dakong alas-9:00 ng gabi, nabulilyaso si Simon habang nagpapatulo ng diesel mula sa trak na pag-aari ng Agri Rice Mill.

Umabot sa tatlong litro ng krudo na nagkakahalaga ng P132 ang nakuha ng binata nang maaresto.

Dahil sa pakiwari na matagal na itong gawain ng salarin ay tinuluyan siyang kasuhan ng pagnanakaw ng may-ari ng rice mill. (Jojo de Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.