Una sa Balita

Magna Carta sa mahihirap, lusot sa Kamara

By
Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus
0 2

Lusot na sa committee level sa Mababang Kapulungan Kongreso at iaakyat na sa plenaryo ang panukalang batas na tutugon sa pagdarahop ng mahihirap na Filipino.

Bago nasibak bilang chairperson ng House committee on poverty-alleviation dahil sa pagboto sa death penalty law, inaprubahan ni Gabriela party-list Rep. Emmi de Jesus ang panukalang tutugon sa problema ng mahihirap.

Base sa nasabing panukala na inakda ng iba’t ibang kongresista, magkakaroon ng tinatawag na “right to adequate foods” ang mga mahihirap na Filipino at layon nitong resolbahin ang problema sa kagutuman.

Oobligahin din ang Department of Labor and Employment (DOLE) na atasan ang lahat ng mga kumpanya lalo na ang mga kontraktor ng iba’t ibang proyekto ng gobyerno na ilaan ang 30% ng trabaho para sa mga mahihirap.

Layon nito na magkaroon ng trabaho ang mga mahihirap na sektor ng lipunan na karaniwang iniitsapuwera ng empleyo.

Bibigyan din karapatan ang mga mahihirap na magkaroon ng bahay kaya aatasan ang  Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) na iprayoridad ang pagtatayo ng mga socialized housing at ituloy ang libreng edukasyon sa elementarya hanggang high school.