Una sa Balita

Magna carta for Public School Teachers baguhin

0 325

DAPAT na umanong amiyendahan ang Republic Act 4670 o Magna Carta for Public School Teachers para matugunan ang matagal nang hinaing ng mga guro na mababang sahod at nakakaawang kalagayan, ayon kay Senador Win Gatchalian.

Sa 27 probisyon ng naturang batas, 11 lang dito ang natupad, siyam ang bahagyang natupad at pito ang hindi pa natutupad.

Sa isang policy forum na pinamunuan ng Civil Society Network for Education Reforms (E-Net Phili­ppines) at ng Senate Committee on Basic, Education, Arts and Culture, sinabi ni Gatchalian na, “meron talagang pangangailangan na itaas ang suweldo ng ating guro dahil naiiwan na ang mga Teachers I, II at III pagdating sa pay gap kumpara sa Master Teachers I, II at III.”
Si Gatchalian ang Chairman ng Committee on Basic, Education, Arts and Culture sa Senado.

Ang sahod ng isang Teacher I na nasa ilalim ng Salary Grade (SG) 11 ay umaabot ng P20,754 kada buwan. Nasa ilalim naman ng SG 18 ang buwanang sahod ng Master Teacher I na umaabot sa P40,637.

Isinabatas ang RA 4670 noong 1966 bilang pagtugon sa matinding pangangailangan na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga guro base na rin sa rekomendasyon ng International Labor Organization o ILO at ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization’s (UNESCO).

Maliban sa mababang suweldo, ani Gatchalian, problema rin ang kawalan ng ibang benepisyo tulad ng special hardship allowance, hazard­ pay, at taunang libreng check-up.

Aniya, hindi lahat ng mga probis­yon ng batas ay nangangailangan ng pondo para maisakatuparan ang naturang mga layunin. Isa rito ang usapin ng oras ng trabaho ng mga guro. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy