Una sa Balita

Maglubay na sa pamumulitika

By
0 409

Naririndi na ang publiko sa usapin ng Dengvaxia. Marami kasi ang nagmamagaling sa isyung ito kung kaya’t hindi mapanatag ang publiko, lalo na ang mga magulang na may mga anak na nabakunahan ng nasabing anti-dengue shots.

Nagsalita na ang mga eksperto mula sa Strategic Advisory Group of Experts on Immunization (SAGE) na inayunan naman ng WHO. Tuldukan na po natin ang pangamba sa Dengvaxia dahil nakakaawa naman ang mga magulang na hindi halos nakakatulog sa takot.

Panahon naman na siguro para makinig tayo sa mga eksperto sa scien­tific community para naman magkaroon tayo ng tamang impormasyon sa isyu na ito.

Abante Hiring – IT dep

Noong nakaraang linggo, naka-post pa sa website ng WHO ang report ng SAGE na ligtas, mabisa at napatunayan na ang ‘public health value’ ng Dengvaxia.

Mismong mga eksperto ang nagsabing ok ito kahit walang pre-vaccination screening na taliwas naman sa balitang kumakalat dito sa ating bansa.

Ang pinakaimportanteng laman ng abiso ay ang pagkilala sa ‘public health value’ ng Dengva­xia. Kapaki-pakinabang sa publiko ang bakunang ito mga kababayan at iyan ay mula sa mga eksperto.

Isa pang nilinaw sa report ay ang ‘pre-vaccination screening’. Maaari raw matanggap ang bakuna maski walang ‘pre-screening’ lalo na sa mga bansang may ‘hyperendemic settings’ o mataas na kaso ng dengue katulad na lang ng Pilipinas.

Mga kababayan, nagpanic o mas tamang sabihin siguro na nawindang ang publiko nang sisihin natin ang DOH dahil hindi sila nag-‘pre-screen test’ pero nilinaw dito na puwedeng tumanggap ng bakuna maski walang pre-screening sa mga bansang tulad natin.

Sabi sa report, okay ang mag-‘pre-vaccination screening’ subalit inamin ng mga eksperto na sa ngayon ay pinag-aaralan at dine-develop pa nila ang ‘pre-screen test’ na naaayon gamitin.

Eto pa, tiniyak rin ng ulat na mabisa at ligtas ang bakuna sa mga ‘seropositives’ o sa mga nagkaroon na ng dengue.
“Dengvaxia vaccine efficacy confirmed in ‘seropositives’, effective and safe when used pro­perly in those with previous dengue infection.” Malinaw ‘yung safe and effective ‘di ba?

Siguro naman ay bawas kaba sa mga magulang ang pagsuporta dito ni Dr. Edsel Salvana, isang infectious disease expert dito sa ating bansa. Sa kanyang FB page, dinetalye niya ang report ng SAGE.

Sana ay malinawan na ang publiko. Alisin natin ang politika at pakinggan natin ang sinasabi ng international scientific community at ng mga eksperto para mapanatag naman ang kalooban ng publiko at ng mga magulang ng mga batang naturukan ng bakunang ito.