Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Maglaway ka Derek’ IG nagliyab sa singit, boobs ni Andrea

0 458

‘Maglaway ka!’

Yan nga ang chika ng mga fan ni Andrea Torres sa mga bago niyang larawan na kuha ng mahusay na photographer na si Xander Angeles.

At siyempre, para kay Derek Ramsay, ang mensahe na `yon ng mga fan.

“Derek, ako nga pala `yung sinayang mo!” ang komento pa ng ibang fan, na puwedeng-puwede raw na caption ng mga seksing larawan na ito ni Andrea.

“Ganda! Yan ang ganti niya kay Derek!” hirit pa ng isang babaeng fan.

“It’s your lost, Derek!” sabi naman ng isa pa ring fan.

Anyway, halos lahat na `yata ng mga papuri ay ibinato sa napakaseksing mga laraw na ito ni Andrea. Mula sa fire, hot, gorgeous, ganda, seksi, pasavogue, at kung ano-ano pa ay mababasa mo sa IG ni Andrea.

Lutang na lutang nga ang kagandahan, kaseksihan ni Andrea sa kulay puting gym outfit, na labas na nga ang singit niya, at bakat na bakat ang kanyang bulaklak at boobey.

Sobrang fierce rin ng expression ng kanyang mukha, na lalong nagpadagdag sa sex appeal niya.

Pero sa totoo lang, tama rin ang obserbasyon ng marami, na sa unang tingin, iisipin mong si Jennifer Lopez ang nasa mga larawan. Kung hindi mo nga titingnan ang IG account name, iisipin mong IG `yon ni JLo, ha!

Vice, Vhong super react:

Kim nag-absent sa ‘Showtime’ dahil kay Xian

Parang bata na sinita nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario si Kim Chiu, dahil sa pag-absent nito sa ‘It’s Showtime’ ng ilang araw. Panay nga ang tukso, sita nila kay Kim, na alam naman natin na sumama kay Xian Lim sa Coron, Palawan nitong Araw ng mga Puso.

“Paggising ko, nasa dagat na ako!” natatawang sabi lang ni Kim.

True naman, dahil di ba nga, kahit siya ay nagulat, na sa Palawan pala ang punta nila ni Xian, at hindi nga siya handa. Akala niya ay simpleng out of town lang `yon.

“Nagmahal lang naman ako!” sabi pa ni Kim, sabay bati, at pasalamat kay Xian.

Pinagpapaliwanag nga ng mga host ng ‘Showtime’ si Kim kung bakit hindi agad-agad ito pumasok pagdating ng Maynila.

“Hindi ako nakapagpa-swab test! Hahahaha!” sagot lang ni Kim.

“So, bawal pang pumasok!” dugtong niya.

“Ano ba ‘yan? Dati bawal lumabas, ngayon bawal pumasok? Ano ba talaga Kim? Hahahaha!” sey naman ni Vice.

At siyempre, alaga na naman nilang lokohin si Kim.

Leave A Reply

Your email address will not be published.