Una sa Balita

Magkumpare niratrat, 1 dedo

0 319

PATAY ang isang porter habang sugatan ang kumpare nito makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa Barangay Dinahican Infanta, Quezon Martes ng gabi.

Ayon sa Infanta Police, dead on-the-spot ang biktimang si Peniel Lucero Reazon, 36, matapos na magtamo ng tama sa ulo at sa tiyan.

Ginagamot naman sa Claro M. Recto Memorial District Hospital ang kumpare nito na si John Sabido Cañete na tinamaan naman sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa ulat, nag-uusap ang dalawang biktima malapit sa bahay ni Cañete nang bigla na lamang pagbabarilin ang mga ito ng gunman dakong alas-nuwebe ng gabi.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.
Iniimbestigahan pa ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy