Una sa Balita

Magkumareng tulak timbog sa Laguna

0 212

ARESTADO ang dalawang babaeng magkumare matapos maaktuhan ang mga ito na nagtutulak ng shabu sa Cabuyao City, Laguna kamakalawa nang hapon.

Kinilala ng Calamba City Police ang mga suspek na sina Melissa Bucad, 46-anyos, at Maricel Mallari, 39, kapwa residente ng Brgy. Looc, Calamba City.
Ang dalawa ay inaresto ng mga operatiba ng Cabuyao Police sa Brgy. Mamatid, Cabuyao City alas-3:45 nang hapon habang nagbebenta ng isang sachet ng shabu sa poseur buyer.

Nakuha kay Bucad ang tatlo pang sachet ng shabu habang narekober naman kay Mallari ang ginamit na marked money.

Ayon sa pulisya ang dalawa ay parehong kabilang sa directorate for intelligence watch list dahil sa ginagawa ng mga itong pagtutulak ng iligal na droga sa lungsod ng Cabuyao at Calamba.

Inihahanda na ngayon ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa dalawa. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy