Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magkasunod nag-withdraw ng kandidatura sa Comelec: Duterte, Go tumiklop sa 2022 eleksiyon

0 397

Umatras si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa 2022 elections.

Pasado alas-3:00 ng hapon, kahapon, nang magtungo ang pangulo sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Intramuros para ihain ang kanyang pag-atras sa senatorial race.

Walang ibinigay na dahilan sa pag-withdraw ng pangulo sa kanyang kandidatura.

Sinamahan ang pangulo ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Comelec nang ihain ang kanyang statement of withdrawal.

Naunang nag-withdraw si Senador Bong Go sa pagka-presidente, Martes ng umaga, at mag-isang nagtungo sa Comelec Office sakay ng taxi.

“As a matter of principle, wala na po ako sa karerang ito sa pagtakbo bilang pangulo nga¬yong 2022,” sabi ni Go sa mga reporter.

“Ako po ay may isang salita. Kung ano po ‘yong sinabi ko tutuparin ko po ‘yan,” dagdag pa nito.

Noong Nobyembre 30, inihayag ni Go na uurong na siya sa kanyang presidential bid dahil kinokontra ng kanyang mga aksiyon at sinasabi ng kanyang puso’t isipan. (Aileen Taliping/Mina Navarro/Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.