Una sa Balita

Magkasintahan kinasal kahit lubog sa baha ang Capiz

0 405

MARAMING pinerwisyo ang bagyong Usman noong Disyembre dulot ng matinding buhos ng ulan at baha.

Isa sa apektado ng nasabing bagyo ang lalawigan ng Capiz, na lumubog sa baha, kabilang na ang simbahan na pagkakasalan ng magkasintahan na sina Simeon at Glory Llorente.

Sa kabila nito, hindi naman napigil ng baha ang pag-iisang dibdib ng dalawa.

Sa paglalakad ni Glory patungo sa dambana, tuwa ang makikita sa kanyang mukha at hindi pagkainis dahil sa paglangoy ng kanyang wedding dress sa tubig at pagkababad ng paa sa baha.

Maging ang buong entourage at mga sponsor, tila nag-enjoy din sa kakaibang kasalan.

Upang hindi mababad sa baha ang kanilang paa, tumuntong na lamang sila sa kneeler pad ng simbahan ang mga dumalo sa kasal.

Marami namang netizen ang natuwa sa mga ipinost na larawan ng kasalan dahil kahit na umulan, bumagyo at bumaha, tuloy pa rin ang pag-iisang-dibdib ng magkasintahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy