Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magkapatid na Fil-Am sinalpok sa California

0 40

Nasawi ang mag-utol na Fil-American sa California matapos silang bungguin ng isang driver na tumakas sa paninita ng pulisya.

Ayon sa report ng KTVU News, pauwi na sina Precious at Philip Nievas habang binabagtas ang West San Jose sa California noong April 26 nang banggain sila ng isa pang kotse.

Nasawi ang magkapatid na Nievas samantalang nasugatan ang suspek na driver at sakay nito.

Lumitaw na lumabag sa trapiko ang driver. Nang sitahin ay tumakas hanggang sa matumbok ng sasakyan ang magkapatid.

Nahaharap ngayon sa kasong gross vehicular manslaughter ang suspek. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.