Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magkapatid na Calixto naka-quarantine

0 206

Nagpositibo sa COVID-19 si Pasay City Rep. Antonino Calixto at kasalukuyan ng naka-self isolation habang naka-work from home (WFH) sa mga trabaho niya sa Kongreso.

Natuklasan ni Calixto na tinamaan siya ng mild case ng COVID-19 matapos siyang magpakonsulta dahil sa dinaranas na dry cough noong Lunes.

Nag-negatibo naman sa virus ang kanyang pamilya pero pinayuhan pa rin ang mga ito na manatili sa kanilang tahanan sa loob ng 14 na araw.

Samantala, sinabi ni Calixto na magkaiba ang pulong na dinaluhan nila ng kanyang kapatid na si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano pero kailangan din nitong mag-isolate dahil nagkaroon ito ng close contact sa isang positibo sa COVID-19.

Sasailalim sa swab test si Mayor Emi sa susunod na limang araw para matukoy kung nahawa rin ito ng virus.

Nasa mabuti naman umanong kalagayan ang alkalde na nagpositibo na sa COVID-19 noong Pebrero ng taong ito.
Tulad ng kanyang kapatid na kongresista, naka WFH din ang alkalde.

Sa katunayan, inatasan ni Mayor Emi ang lahat ng opisyal ng mga departamento sa city hall na ipagpatuloy ang serbisyo habang nasa isolation siya.

Partikular na inatasan ni Mayor Emi ang Pasay City Epidemiological and Surveillance Unit (CESU) na paigtingin ang kanilang contact tracing at testing para matukoy ang lawak ng pagkalat ng virus sa lungsod.

Nanawagan din ang alkalde sa mga residente na manatili sa mga well-ventilated area at umiwas sa mga matataong lugar.

“If nagkaroon naman ng exposure sa COVID-19 positive, mag-self quarantine agad sila, then, magpa RT-PCR on the 5th day after nagkaroon ng exposure sa First Contact. Para sa mga di pa nakakatanggap ng vaccine, magpabakuna na po tayo. Ito po ay dagdag na proteksyon laban sa nakakahawa at nakakamatay na covid virus,” ani Mayor Emi. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.