Una sa Balita

Magkalabang politiko suki ng senatoriable

By
0 745

TILA takot daw maipit sa nag-uumpugang mga lokal na political party ang isang senatoriable kaya’t piling aktibidad lang ng grupo ang nais nitong daluhan.

Ang kuwento ng ating Amuyong, kapuna-puna na absent sa isang aktibidad sa lalawigan kung saan maraming boto ang inaasahan ang ating bida.

Sa bulong ng ating Amuyong, bukod sa pagod at puyat na inabot ng senatorial candidate sa nagdaang sortie ng grupo, sinadya raw ng ating bida na huwag dumalo sa sumunod na rally dahil ma­tindi ang away sa lokal na politika sa lalawigan.

Posible raw magsarili na lamang ng aktibidad ang ating bida sa lalawigang may mayamang boto sa halip na makitaan ng pagkatig sa isang panig ng lokal na politika.

Nais daw kasing makasiguro ng ating bida na hindi mawawala ang boto ng dala­wang panig sa kanya, aba’y lumabas ang pagkasuwapang ng hitad.

Pintahan niyo na. Ang ating bida ay mayroong letrang H sa kanyang pangalan as in hindi papatalo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy