Una sa Balita

Magkakasunod na aksidente sa Quezon, 3 dedbol

0 281

TATLO ang patay sa tatlong magkakasunod na aksidente na kinasasangkutan ng mga bus sa lalawigan ng Quezon kamakalawa.

Unang nasawi ang biktimang si Rodel Ursabia Gatmaitan, 58, matapos na masalpok ng Elavil bus habang tumatawid sa Maharlika highway, Brgy. San Isidro, Atimonan bandang alas-10:50 nang umaga.

Naipit ng unahang goma ng bus ang biktima na namatay noon din samantalang naaresto naman ng mga pulis ang driver na si Leonardo Espedillon Villaroya na residente ng Gubat, Sorsogon.

Sa bayan ng Tagkawayan,­ nasawi habang isinusugod sa Maria Lourdes Eleazar Distict Hospital ang Indian national na si Ripandeep Maan y Seng na nasalpok ng Raymond passenger bus habang nagmomotorsiklo sa Quirino highway, Brgy. Poblacion, dakong alas-7:30 nang gabi.

Sinakop umano ng motorsiklo ang linya ng kasalubong na bus.

Naaresto naman ang driver na si Jose Fernando Don.

Patay din ang driver na si Lydio Bautista nang ang minamaneho nitong Canter closed van ay sumalpok sa kasalubong na Saint Jude passenger bus sa Brgy. Marilag, Calauag dakong alas-11:45 nang gabi.

Sugatan ding isinugod sa Magsaysay District Hospital ang isa pang sakay ng van at apat na sakay ng bus.

Sumuko naman sa Calauag police ang driver na si Domingo Pizania. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy