MAGKAKALABAN, SAMA-SAMA SA B-DAY NI ERAP!

By

Mayor Erap, PDU30 at Cong. Gloria
Mayor Erap, PDU30 at Cong. Gloria

Tagumpay si Jackie Ejercito, anak ni Manila Mayor Joseph Estrada, sa hiling ng ama na pagsamahin ang ilang politicians na dati ay magkalaban sa selebrasyon ng kanyang 80th birthday sa Manila Hotel last Wednesday.

Walang konsepto nu’ng gabing ‘yon sa maiksing programang inihanda. Basta larawan ng kaligayahan ang dating Pangulo dahil nandoon ang mga taong kakampi at naging kalaban sa pulitika.

Present ang dating President Gloria Macapagal-Arroyo, Imelda Marcos, former Vice President Jojo Binay at maraming politicians, incumbent Cabinet members at siyempre, si President Digong Duterte.

Naghandog ng isang production number ang mga apo niya at pinaka-star ang anak ni Jake (Ejercito) na si Ellie na pinakabata.

Kumanta rin ang ilan niyang anak at nakaw-eksena ang pagsama sa stage ng magkapatid sa ama na sina Sen. Jinggoy at Sen. JV. Palakpakan ang lahat nang magdikit sila’t nag-akbayan.

Kinanta naman ng San Juan Vice Mayor, Janella Estrada, ang theme song ng isang movie ni Mayor Erap. Bago naman bumalik ng Camp Crame, naghandog din ng awitin si Sen. Jinggoy.
Emotional siyang nagpahayag ng mensahe sa ama at binilinan na ‘wag siyang gayahin na dalawang beses nakulong, huh!

Halos lahat ng kaibigan at natulungan sa showbiz ay nakisaya kay Mayor Joseph. Biggest highlight ng selebrasyon ay ang matalim na speech ni PDU30 na hindi napigilan murahin ang ABS-CBN at ang dyar­yong Inquirer!


SHARE