Una sa Balita

Magkakaibigang aktres pinag-away ni tsismosang starlet

By
0 4,778

Patawa rin ang starlet na ito. Siya na nga ang nagpasimuno sa kaguluhang nangyayari sa pagitan ng dating magkaibigan, gusto pa niyang i-involve ang isang baguhang aktor na ang hanap lang naman ay ang magkaroon ng disenteng trabaho sa showbiz.

Ipinagkakalat daw kasi ng starlet na ito na sa aktor nagsimula ang tsika tungkol sa pagkaka­gusto ng isang aktor sa isang aktres, pero nang kumpirmahin naman ito sa baguhang ito ay tigas naman ito nang tanggi.

Ano ba naman daw ang alam niya sa isyu, e, ilang beses lang silang magkakasama sa trabaho at wala siyang ka-close sa sinumang bida rito.

Mahilig din daw ang mapupulang labi na ito sa pakikipagtsikahan sa mga katrabaho sabay tsismis at paninira sa mga kasamahan niya na wala namang gustong maniwala sa tsismis niya.

KSP talaga ito na kahit ang mga malalayo niyang kamag-anak ay nakikisali rin sa mga tsikang pang-showbiz lamang at kung ano-anong paratang ang sinasabi ng mga ito.

Aba, minsan na raw nakita ang KSP na ito na super sweet sa datin­g leading man na kapag tanungin naman ito ay todo-tanggi kung may relasyon sila o wala.

Nakakaloka daw pa-feeling awa raw ito pero sa tila pagiging tahimik nito ay sa kanya raw pala nagsimula ang kalbaryo sa kanilang trabaho.
O, siya, babu!