Una sa Balita

Magkakaalaman sa korte- Lapeña

By
0 1,365

NAGHAIN kahapon ng kasong libel si dating Bureau of Customs (BOC) commissioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General Isidro Lapeña sa Taguig City Prosecutor Office laban kay dating Customs X-ray Inspection Project Chief Atty. Ma. Lourdes Mangaoang kahapon.

Dakong alas-10:30 ng umaga nang ihain ni Lapeña ang kasong libel at slander sa Clerk of Court sa Taguig Prosecutor’s Office.

Ayon kay Lapeña, nag-ugat ang pagsasampa niya ng kaso kay Mangaoang matapos sabihin nito sa isang interbyu sa media na protektor umano siya ng illegal drugs.
Hamon niya kay Mangaoang, sagutin na lamang ang kanyang kaso sa korte na tamang forum para malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Sinabi ni Lapeña, labis na paninira ang ginawa ni Mangaoang sa kanya nang maglabas ito ng pahayag.

“Labis na nasaktan ang aking pamilya sa ginawa ni Mangaoang at maging ang aking mga kaibigan matapos kumalat ang balita na kagagawan nitong abogadong ito,” ani Lapeña.

Wala aniyang katotohanan at pawang mga gawa-gawang istorya na walang basehan ang inilabas sa media ni Atty. Mangaoang.

Kasama ni Lapeña ang kanyang tatlong abogado (hindi na binanggit ang pangalan) nang ito ay maghain ng kaso laban sa abogado.

Anim na pahina ang inihaing kaso ni Lapeña sa tanggapan ni Taguig City Prosecutor Princes Roxanne Sucor.

Sinabi pa ng opisyal na hindi niya sisirain ang kanyang pangalan para lamang pagtakpan ang mga nais magpuslit ng droga papasok ng bansa, kagaya ng ibini­bintang sa kanya.

Iginiit ni Lapeña na ang mga isyung ibinabato sa kanya ay walang basehan at walang matibay na ebidensiyang makakapagdiin sa kanya.

“Hindi po ako na-involve sa anumang isyu ng droga, kahit kailan at wala akong anomalyang ginagawa,” pahayag pa ng opisyal.

Nauna nang sinabi ni ­Mangaoang na tinagurian ding whistleblower na hindi siya kasapi ng anumang sindikato na umano’y tumatrabaho kay Lapeña.

Kanya ring iginiit na may ­lamang iligal na droga ang apat na magnetic lifter na natuklasan sa GMA, Cavite na nagkakahalaga ng P11 bilyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy