Una sa Balita

Magkakaalaman na si Manny at Lucas!

By
0 1,088

NGAYONG araw na ang laban ni fighting Senator Manny Pacquaio kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ngayong araw na rin masasagot ang mga katanungan na lumabas tungkol sa kondisyon ng dalawang boksi­ngero na kapwa nagsasabing sila ang magwawagi.

Nakataya sa sagupaan ang welterweight crown ng Argentinean boxer.

Totoo nga kaya ang sinabi noon ng kanyang dating trainer na si Freddie Roach na hindi pa lubusang gumagaling ang rotator cuff injury ni Pacquiao na inoperahan matapos ang mega-fight niya kay Floyd Mayweather, Jr. tatlong taon na ang nakalilipas?

At may katotoha­nan din kaya na aakyat ng ring si Mathysse at haharap kay Pacquiao na may depekto ang kanang mata na inoperahan matapos ang talo niya kay Viktor Postol noong 2015?

Ang mga injury ng dalawang ito kung totoo ay malaki ang epekto sa performance nila sa mga sandali ng kanilang giyera sa i­babaw ang ring.

Pero ilang araw bago ang kanilang sagupaan, kapwa nagpahayag ang magkabilang kampo na fully recovered na sila sa mga nabanggit na problema.

Ayon sa kampo ni Pacquiao, pagdating ng oras ng sagupaan, bagong Pambansang Kamao ang masisilayan ng boxing fans sa buong mundo.

Sinabi naman ni Mathysse na siya ang magpaparetiro kay Pacquiao at uuwi siya ng Argentina na kampeon pa rin.
Sinabi naman ng promoter na si Oscar dela Hoya, biktima rin ni Pacquiao noon, na bahag­yang nakakalamang si Pacquiao sa laban.

At kung mananalo ang fighting senator, ito ay sa pamamagitan ng desisyon. At kung si Mathysse naman ang magwagi ay sa pamamagitan ng knockout!

Sa boksing, ganito talaga ang labanan. Walang nagsasabing matatalo sila. Ang paniwala nila ay la­ging silang panalo kaya panoorin natin.