Magkaisa na lang sana
Dear Abante,
Naranasan mo na bang mahusgahan ng mga kapwa mo Pilipino? Pagiging sarado ang isip, ‘yan ang halos pangunahing dahilan kung bakit hindi nagkakaisa ang bawat Pilipino. Social media man ‘yan o sa pampubliko, hindi natin maiiwasan ang mapanghusga at mapangmatang mga Pilipino.
Magkaisa, ‘yan ang hinding hindi natutunan ng bawat Pilipino, halos parang naging eksena ng ‘Face to Face’ nagpipilian lang ng kulay kung saan nila gustong pumanig kung sa pula ba o puti.
Bunga nito ay pagiging watak-watak ng mga Pilipino, halos bawat punto lang nila ang kanilang pinaniniwalaan. Hindi man lang nag-iisip na baka tama rin ang opinyon ng iba. Imbes na magtulungang lutasin ang problema ng ating bansa ay mas pinipili nilang maging alimango na kay hilig maghatakan pababa.
Related Posts
Paano nga ba natin mareresolba ang bawat problema ng ating bansa kung patuloy lang tayong umiikot sa gawaing mas nagpapahirap sa ating bansa?
Kay sarap isipin na magkaisa tayong mga Pilipino, na imbes puro sariling opinyon ang pinaniniwalaan ay mas makakabuti na nakikinig din tayo sa isa’t isa o sa sari-sariling perspektiba. ‘Yung tipong walang pula at puti na nag-aaway sa halip ay maging isang kulay na kayang tumayo para sa ating bansa at maging isang kulay na babangon at magtutulungang itayo ang sugatang Pilipinas.
John Lloyd Antonio