Magkabuntot na lindol sa Surigao, Zambales

By

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Surigao del Norte kahapon ng hapon.

Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Intensity 2 sa Surigao City pero sa instrumento ng ahensya ay naitala ang Intensity 3.

Natunton ng PHIVOLCS ang lindol sa layong apat na kilometro ng San Francisco, Surigao del Norte dakong ala-1:40 ng hapon. May lalim na isang kilometro ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi na inaasahan ng PHIVOLCS na makapagdudulot ng pinsala o aftershocks ang naturang lindol­.

Samantala, bandang alas-2:08 ng hapon nang maitala ang Magnitude 4.1 na lindol sa San Felipe, Zambales na may lalim na 29 kilometro.

Walang naiulat na intensity sa naturang pagyanig na hindi na rin umano nakapagdulot ng pinsala.
 

SHARE