Una sa Balita

Magkaangkas sa motor dedo sa nabanggang bus

0 196

PATAY ang dalawang lalaki nang mabangga ng pampasaherong bus ang sinaksakyan nilang motorsiklo sa Valenzuela City, kahapon nang madaling-araw.

Sa panayam kay SP03 Tirso De Lina, officer-in-charge ng Vehicle Traffic and Investigation Unit (VTIU), dead on-the-spot ang nakaangkas sa motor na inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Wala pang isang oras, nalagutan na ng hininga sa Valenzuela City Medical Center ang driver ng motorsiklo na si John Alvin Goyal, nasa hustong gulang.

Kusang-loob namang sumuko ang driver ng bus na si Silverio Mejeas, 47, naninirahan sa No. 044 Estacio Street, Meycauayan, Bulacan, matapos ang insidente.

Kuwento ni SP03 Delina, bandang alas-12:30 nang madaling-araw nang mangyari ang insidende sa harap ng Wilcon Depot na nakabase sa Mac Arthur Highway Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Binabagtas daw ng mga biktima ang kahabaan ng highway patungong Monumento galing ng norte at magkaangkas sa motor kung saan pagsapit sa Dalanda­nan ay nabangga ito ng Star Bus (sticker No. KTO-515 body No. 840) na may rutang Malanday-Alabang), ga­ling south na minamaneho ni Silverio. (Orlan Linde)