Una sa Balita

Magka-live-in niratrat sa onsehan sa droga, 1 patay

0 268

Posibleng may kinalaman sa onsehan sa droga ang ugat ng pamamaslang sa isang lalaki na umano’y nasa drug watchlist habang sugatan ang kanyang live-in partner makaraang pagbabarilin kamakalawa nang gabi sa Pasay City.

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Sailanie Tomimbang, alyas ‘Nick’, 31-anyos, vendor sa Lawaan St., Brgy. 145 Zone 16 ng nasabing lungsod, makaraang magtamo ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Isinugod naman sa Pasig General Hospital ang kanyang live-in partner na si Mannyleen Guinto, alyas ‘May May’, nasa hustong gulang, taga-Block 16 Lot 20 Lawaan St., na nagtamo rin ng tama ng bala ng baril sa dibdib.
Mabilis naman tumakas ang umano’y suspek na si Hermenio Espi-dion, alyas ‘Bokayo’, nakatira sa Block 26 Lot 4 Brgy. 145 ng nasabing lungsod, matapos nitong pagbabarilin ang mag-live-in partner.

Nabatid na si Espidion ay nasa drug watchlist din ng pulisya sa barangay.
Base sa isinumiting report ni Police Col. Bernard Yang, hepe ng Pasay City Police, alas-7:45 nang gabi, nang maganap ang insidente sa Block 16, Lot 20, Lawaan St., Brgy. 145, Zone 16 ng nabanggit na lungsod.

Habang kasama umano ni Tomimbang si Guinto sa nabanggit na lugar ay biglang dumating si Espi-dion na may kasamang hindi kila-lang lalaki.

Biglang naglabas ng baril ang mga suspek at pinaputukan ng sunod-sunod ang mga biktima bago tumakas.

Hinala ng pulisya na onsehan sa droga ang isa sa mga motibo na kung kanila itong tinitingnang anggulong ngayon. (Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy