Una sa Balita

Magka-live in na? Jennylyn, Dennis ayaw pa rin sa wedding

0 614

Kina Jennylyn ­Mercado ­isi-celebrate ni Dennis Trillo ang ­Pasko at Bagong Taon, ayon na rin ­mismo sa ­da­laga, nang ­makapanayam namin para sa ­Abantelliling, na kuha sa presscon ng ­pelikula nila ni Coco ­Martin, ang “3Pol Trobol, Huli Ka ­Balbon.”

Ayon kay Jennylyn, lagi namang magkasama sila ni Dennis sa Pasko at Bagong Taon. Sa ­ganda ng takbo ng romantic relationship ng dalawa, mukhang habangbuhay na talaga sila.

Sey nga ni Jennylyn sa amin, walang pagkakataon na nag-away o nagkakatampuhan sila ni Dennis. Napagdaanan na raw nila ‘yon sa mga unang taon ng kanilang relasyon. Ngayong nagkabalikan sila, nakilala na raw nila ang isa’t isa.

Pero paglilinaw ni Jennylyn, hindi pa nila iniisip ni Dennis ang magpakasal. Kahit na nga sinasabi ng marami na magka-live in na talaga sila.

Sa ngayon ­kahit nagbabahagi sina Jennylyn ng ilang mga larawan nila ni Dennis na nagpapakita ng pag-ibig nila sa isa’t isa, hindi lahat ay ibinubuyangyang nila sa publiko.

Gusto pa rin nilang magtira ng malaking privacy sa kanilang personal life.

Ai Ai puring-puri ang Kapamilya actor

Hindi matapos-tapos ang papuri ni Ai-Ai ­delas sa co-actor niya at lead star ng MMFF 2019 movie entry na “3Pol, Trobol, Huli Ka ­Balbon” na si Coco Martin.

Paliwanag sa amin ni Ai-Ai, nakaka-relate siya sa trabaho ni Coco at ang pagiging metikuloso nito. Malaking ginhawa raw sa kanilang mga artista nang nabanggit na movie ang professionalism ni Coco, at ang pagiging istrikto nito.

Sabi pa ni Ai-Ai, gustung-gusto niyang nasusunod ang oras ng shooting dahil hate raw niya ang maghintay ng matagal sa set.

Mas maraming nagagawa at hindi natetengga (naghihintay) mga artista sa set, bago ito kunan.

Patuloy pa ni Ai-Ai, nakakauwi sila ng maaga at nakakapagpahinga nang mahabang oras para sa iba pang trabaho nila kinabukasan.
Kuwento pa ni Ai-Ai, mabilis din ang trabaho sa set dahil alam ni Coco kung ano ang kanyang kukunan.

Siyanga pala, ginagampanan ni Ai-Ai ang papel bilang nanay ni Coco sa movie. At love interest nya ay si Joey Marquez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy