Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magka-live in inararo ng Innova

0 256

Nasawi ang 29-anyos na tindera ng saging at kanyang kinakasama habang dalawa pang vendor ang malubhang nasugatan makaraang araruhin ng isang Toyota Innova sa Quirino Highway, Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan, Lunes ng gabi.

Namatay noon din si Juvelynn Vasquez habang naisugod pa sa pagamutan ang ka-live in na si Johnver ngunit nasawi rin dahil sa matinding pagkabali-bali ng buto sa katawan. Sugatan naman sina Jericho Imog at Arnel Castillo.

Nakadetine at nahaharap sa patong-patong na kasong kriminal ang suspek na si Rene Endaya na nakumpirmang lasing nang magmaneho.

Depensa ng suspek, nawalan siya ng kontrol sa sasakyan pasado alas-otso ng gabi sa kahabaan ng Barangay Kaypian.

Umakyat sa bangketa ang Toyota Innova ni Endaya saka inararo ang apat na biktima na nagtitinda ng saging sa lugar. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.